Dalawang tao lang ang tumulong at nagbigay interest sa akin para magkaroon ng sariling blog.
Una, ang mahal ko sa buhay, kasama at katuwang sa anumang ihip ng hangin at kulay ng ulap.
Si Marc Angelo ng “MHZ ProjectZero 2008″
Sa totoo lang hindi naman ako magaling magsulat o mahilig magsulat. Siguro pag may kasama ka na talaga sa buhay, ung bang katuwang ika nga, eh lahat ng bagay nag-iiba. Bakit? Kasi ito ang hilig ng asawa ko, ang gumawa at magsulat sa kanyang blog. Siya kasi ang kunsintidor sa likod ng lahat ng ito. Kaya ito, nagpupumilit at nag-aaral akong sumulat.
Ikalawa, ang unang tagalog blogger na nabasa ko.
Si Manong Badoodles ng “Ang Kwentong Barbero”
Magaling din siyang manunulat at nakakatuwang basahin ang mga sinusulat niya.
Sana lang magustuhan ninyo kung ano mang istorya meron dito. Walang bayad po ito. Mata lang po ang kailangan ko. At maraming pang-unawa at tiyaga. Hehehe!!!