
Si Manong Driver at Tatay Marc - Father and Son bonding-ever
Di pumasada si Manong Driver ngayon bagkus gumimik siya kasama sina Tatay Marc at Nanay Andeng.
Maaga pa sa manok kung gumising si Manong Driver di tulad ng mga araw na pasada niya. Excited to the max ang mokong. Di na yata natulog ng mahimbing at baka maiwanan ng biyaheng sasamahan niya..hehehe!!!
Pumunta sila Manong Driver sa SM Lipa City, pinasyal siya ni Tatay Marc kasi wala itong pasok sa trabaho. Tuwang-tuwa siya nung gabing sinabi sa kanya ni Tatay Marc na ipapasyal niya ito. Lumukso, tumalon, nagbalebalengtong at pumalakpak ng pumalakpak si Manong Driver sa galak.
Hay, tagal na kasi siyang tigang sa air-conditioned na building, may SM nga dito sa San Pablo kaso ang ibig sabihin naman nito ay “Super Market ng San Pablo”, hehehe!!!Di nga naman tulad noon na araw-araw yata siya nasa mall. Kapitbahay kasi siya ng SM, Shopwise, AliMall at Gateway.
Noong mga unang araw nga namin sa pagiging balik-bayan, minsan lumabas kami, ang sabi ba naman ni Manong Driver, “Nanay Andeng saan ba tayo sasakay? Sa LRT, Mrt o sa TAXI?”
Sosyal ang Mokong, noh?!!!!! May LRT,MRT o TAXI ba sa mga probinsya?? Sana nga!!! Para medyo maalwan at mas masabing maunlad na nga ang Pinas!!! hehehe!!!
Oist, balik tayo sa pasyal ni Manong Driver sa SM Lipa City. Ito ang mga larawan-litrato nila Manong Driver at Tatay Marc. Nag-MEGA-bonding talaga sila. Miss na miss na kasi niya si Tatay Marc kaya naisipan ni Tatay Marc na makipag-bonding sa el-guapitong si Manong Driver.
- Si Manong Driver at Nanay Andeng sa WackyPix
- Si Manong Driver at ang Thomas the tank engine -fave niya ito!
- Ang paborito ni Manong Driver
- Bonding pa rin ever with Tatay Marc
- Bonding pa rin ever with Tatay Marc
- Ang paborito ni Manong Driver
- Ang paborito ni Manong Driver
- Si Manong Driver tinuruan bumaril kaso di siya excited!
- Si Manong Driver at Tatay Marc – Father and Son bonding-ever









waw ang cute naman ni manong driver.. ako na lang taga punas ng pawis nya.. ahihi
Ni: anakngpiso noong Agosto 28, 2008
sa 11:01 umaga