Ipinaskil ni: ziemom | Agosto 24, 2008

Ang Reunion sa buhay ni Manong Driver

Ano nga ba ang Reunion?
Sabi ni Inay, ito daw ay isang tradition upang magsamasama ang magkakamag-anak. Isang salo-salo, kasiyahan at kamustahang walang hangganan.

Hay, tama nga si Inay, walang katapusang kamustahan, beso-beso, tawanan, mga pagbabalik-tanaw sa mga araw at higit sa lahat ang walang sawang tawagan ng mga mababahong alias noong bata ka pa.

(”,) Alam mo ba kung bakit ito ang tema ko ngayon?

Kahapon kasi si Manong Driver kasama si Nanay Andeng umattend ng birthday party ng Tita Drizzle niya. Taga-tate kasi un, umuwi lang ang pamilya niya para makita ang mga kamag-anak at mamasyal dito sa Pinas.

(”,) Hindi ko nga alam kung Birthday Party ba iyon o Reunion kasi noon na lang ulit nagkitakita ang mga apo, magpipinsan, magtiyuhin at magkakapatid.

Sobrang saya ni Manong Driver. Bida na naman siya sa mata ng natutuwa sa kanya. Hehehe!!!
Nakawala kasi sa hawla kaya parang trumpong tumakbo ng tumakbo sa loob ng function hall. Tuwang-tuwa rin siya kasi nakilala niya si Kuya Aaron (Anak ni Tito Allan niya), love daw niya si Kuya Aaron at lagi daw sila maglalaro ng Thomas the tank engine at ang Poliza niya.

Ito ang mga kuhang litrato ni Manong Driver at ni Nanay Andeng kasama ang mga kamag-anak nila.

(”,) (”,) (”,)


Mag-iwan ng tugon

Ang iyong tugon:

Mga Kategoriya