Walang humpay ang pagsusumamo ni Manong Driver na magkaroon ng laruang bahay.
Walang araw na hindi niya ito sinasabi sa nanay at tatay niya.
Noong una, gumawa ang nanay niya ng maliit na bahay mula sa pira-pirasong kahon para maging bahay niya. Ngunit sawing palad sa kagandahan dahil noong natapos parang bahay ng aso sa sobrang liit at sa dami nng tagpi (parang asong si tagpi) pero masaya pa rin si Manong Driver sa munti niyang bahay-laruan.
Pagkalipas ng ilang buwan, pumasyal si Manong Driver sa bahay ng mga pinsan niya. Kung tutusin sila pa lang ang pinsan niyang buo. Ang makukulit ngunit mapagmahal na mga pinsan..(hello tita chezka, zane, zara and zack).
Pagdating ni Manong Driver doon, naku, bumulaga ang napakagandang munting bahay ng mga pinsan niya.
Ang kartong bahay na maganda ngunit medyo mahal para kay Manong Driver. Ang 700pesos na bahay na iyon ay hindi mabibili ni Nanay Andeng dahil sa panghihinayang sa perang pinagsisikapan ni Tatay Marc.
Kaya nitong isang araw lamang, tuwang-tuwa si Manong Driver at may dalawa siyang balikbayan box na wala nang laman (siyempre ang laman nito ay nakatago at kinakain na – salamat daw po tito ward at tita leah) ayun di na siya nagdalawang isip na ipagawa ito sa nanay niya.
Dahil creative naman ang nanay ni Manong Driver ay ginawa niya ito. Madali naman gawin ang kartong bahay basta’t may kahon ka at maraming crayola ay ayos na. Matibay at malaki pa sa nabibili sa anumang tindahan. At ang kagandahan pa nito sariling likha mo ito at ang walang kapalit na bonding sa iyong anak ang pinakamasarap na kabayaran dito.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo mga nanay, inay, mommy, mom at mama diyan..bonding na kasama ang mga anak ninyo..db?
Si Manong Driver ang nagkulay ng mga likhang-guhit ni Nanay Andeng.
- Ang munting bahay ni Manong Driver
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya
- Si Manong Driver at ang munting bahay niya sa loob
- Si Manong Driver at ang lola Nimfa niya











