
Si Manong Driver
Si Manong Driver ang mahal ng bayan.
Siya ang buhay ng bawat taong nakapaligid sa kanya.
Sa bawat ngiting ibinibigay ay sulit na ang araw ng taong nakakasalamuha niya.
Sino nga ba si Manong Driver?
Siya si Mackenzie Griffin B. Deveza.
Ang munting anghel sa buhay nila Dad Marc at Mom Hana.
Ang munting taga-gabay sa buhay nila Lolo Rody, Lola Nimfa, Lola Shirley at Lolo Carlo.
Ang munting taga-bigay saya sa buhay nila Tito Ward, Tita Leah, Tita Garett, Tito Jay, Tita Olive.
At ang munting kalaro sa buhay nila Tita Chezka, Ate Zane, Kuya Zack at Ate Zara.
Si Manong Driver ang sentro ng buhay ng bawat taong nagmamahal at minamahal niya.
Ang bawat segundong pagbukas ng makina, sa bawat pag-ikot ng mga gulong, sa bawat usok na ibubuga ng tambutso at ang bawat pasikot-sikot o lubak-lubak na tatahakin ng sasakyan daladala niya ay walang pangambang idudulot bagkus ang bawat paglalakbay na tatahakin na kasama siya ay puno ng saya at umaapaw na pagmamahal.
Si Manong Driver ang hero ng buhay ng bawat taong nagmamahal sa kanya.
- Si Manong Driver
- Si Manong Driver at Si Tatay Marc
- Si Manong Driver at Si Nanay Andeng
- Si Manong Driver kasama ang makukulit pinsan niya sa buhay
- Manong Driver sa pamilyang Batalla
- Manong Driver sa pamilyang Deveza





